aRbitRaRy VieWs…
August 27th, 2007 by calynmarianoI miss my blog!
Well it feels so nice to be here again… ang dami ng nangyari sa buhay ko since the last time I am here… parang wala akong mailagay ngayon dito… bahala na..hehehe..
Filipino vs. Filipino
I once dreamt of becoming a soldier. Hindi nga lang pinalad sa height… oh well… maybe it’s not my calling talaga… but if there’s a chance na maipilit talaga kahit volunteer military nurse lang na kung saan walang height requirement… why not diba?? Pero mukhang imposible yun…
Sa tuwing maririnig ko ang balita tungkol sa sagupaan ng ASG at AFP sa Mindanao, nalulungkot ako… kung minsan napapaiyak pa ako kapag nakakarinig ako ng balita na may pinatay na sundalo at ang pinakamasaklap, pinugutan pa ng ulo… nasaan na ba talaga ang diwa ng pagkakaisa dito sa Pilipinas?
High school pa lang ako, nagtutugisan at nagpapatigasan na ang mga ASG at AFP… hanggang ngayon ba naman hindi pa rin natatapos ang problema na yan… kelan kaya sila magkakasundo? Kelan kaya natin makakamtan ang katahimikan? ilang buhay pa kaya ang kailangang masawi? Ilang sibilyan pa kaya ang kailangang madamay sa alitang parang walang katapusan? Iyan ay ilan sa mga katanungang masasagot lamang kung ang bawat isa sa atin ay magbabalik sa Poong Lumikha…
Bataan adventure!
Almost two weeks din kami nag stay sa bataan… sa loob ng mga araw na iyon, akalain mong tatlong bagyo ang nakasagupa namin… (Typhoon Chedeng, Dodong and Egay…)
Kahit bumabagyo, tuloy pa din ang pasok… nakuha pa naming pumunta at magpicture-picture sa tabing-dagat sa kabila ng sama ng panahon.. saan ka pa?? Hehehehe….
Sa gabi, napakalakas ng ulan…talaga naman na napakasarap matulog… pero di yata uso ang “tulog” sa group namin… kahit malakas ang hangin at dis oras na ng gabi, tuloy pa din kami sa groupworks, tapos kinabukasan maaga pa ang gising para pumasok sa mental… ang hirap diba?
Sa kabila ng pagod at puyat na aming dinanas, masasabi ko na sulit naman lahat… sa umaga pagpasok mo at nakausap mo ang patient mo at nakita mo silang nakangiti… sulit na sulit talaga ang pagod mo… kapag nakikita mo na nag-iimprove ang patient mo sa araw-araw, tama ng kabayaran iyon sa lahat ng hirap na dinanas mo….
Nakalulungkot talagang isipin at makita ang mga taong iyon sa lugar na iyon… sila ang mga taong minsan ng binawian ng tino sa sarili ngunit unti-unti ng bumabalik na sa realidad… mapalad ang mga tao na naroroon na ay may dalaw… ngunit ang iba naman ay nilimot na ng kanilang mga pamilya… sila ay inabandona na at tinanggalan ng karapatang maging myembro ng pamilya, ng lipunan…
Friends
I don’t make friends easily. Ewan ko ba… hindi ako ganoon tipo ng tao. May pagka eccentric yata talaga ako..Pero kapag naging friend ko ang isang tao, i make it sure na pang matagalan talaga… (wag nga lang magkakasubukan…)
Mabibilang mo lang sa daliri (kama naman siguro pati sa daliri sa paa) ang mga friends ko… May pagka snob rin (yata) kasi akong tao… (hindi pa self-aware!) When I am with my friends, ineenjoy ko lang ang moment… Puro kaharutan, kalokohan at most of the time puro tawa lang ang ginagawa ko…
Dati, kapag may gagawing kalokohan ang isa kong kaibigan, todo tutol ako…Ayoko lang kasing napapahamak ang friend ko… Pero ngayon, kapag nagsasabi sila ng mga bagay sa akin na binabalak nilang gawin at alam kong medyo tagilid, minsan di ko na din matutulan… Instead, ang nasasabi ko na lang eh "Ok… basta konting ingat lang ha…" Ewan ko ba… Siguro dahil alam ko naman na they are responsible enough to face whatever consequences their actions may bring… and they knew their limitations naman…Alam ko naman na kaya nila ‘yon! Sila pa! Permanent na mga teeth nila… hehehehe…Siguro, ganoon talaga kapag kaibigan mo. Mahal mo sila… Wala kang gusto kundi ang makita silang masaya… Kaya nga parang dinidurog ang puso ko kapag nakikita kong malungkot ang kaibigan ko… Feeling ko, wala akong magawa for them…. At lalo na kapag ang kaibigan kong nagkakaganoon ay talagang malapit sa puso ko…
Kapag mahal mo ang mga kaibigan mo, handa mong tanggapin kung sino at ano sila… Kahit anuman ang mangyari, di mo silang kayang iwan dahil iilan lang talaga sila na tunay na nakakaunawa at nagmamahal din sa iyo.. Sila din yung mga tao na laging nandyan para sa iyo kahit malabo ang mundo…Laging on the go kapag kailangan mo ng tulong, laging pinapatawa ka kapag nalulungkot ka… Pinaiiyak ka sa sobrang kakatawa at pinagsasabihan ka kapag may mali kang nagawa…
Kaya sa mga friends ko dyan…. Alam nyo na kung sino kayo… I am very blessed to have you guys! Mahal na mahal ko kayo (Love nyo nga ba ako??)… Salamat sa lahat… Love you!!!!!!


I could 